Nagpalabas ng tsunami alert ang PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology kasunod ng pagyanig ng magnitude 8 na lindol sa karagatan ng Mexico.
Ayon sa PHIVOLCS, ang mga ganito kalaking pagyanig ay may potensyal na bumuo ng tsunami na maaaring maapektuhan ang mga rehiyon malapit sa epicentre sa loob ng ilang minuto o oras.
Paglilinaw naman ng ahensya, walang evacuation order ang ipinapatupad.
Ang mga sumusunod na probinsya na nakaharap sa Karagatang Pasipiko ay inaabisuhang maging alerto at makinig sa susunod na updates:
- Batanes Group of Islands
- Cagayan
- Ilocos Norte
- Isabela
- Quezon
- Aurora
- Camarines Norte
- Camaines Sur
- Albay
- Catanduanes
- Sorsogon
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Leyte
- Southern Leyte
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Davao Oriental
- Davao Del Norte
- Davao Del Sur
- Davao Occidental
Ayon sa Us Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong isandaang kilometro timog kanluran ng bayan ng Pijijiapan at may lalim na tatlumput limang (35) kilometro.
Sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig sa Mexico City kung saan umuga ang mga gusali dahilan upang magtakbuhan sa mga kalsada ang mga tao.