Isang aerial inspection ang isinagawa ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon.
Ang mga miyembro ng quick response team ay lumipad sakay ng helicopter sa taas na 7,000 talampakan para magkaruon ng comprehensive assessment kaugnay sa patuloy na pag aalburuto ng Mayon Volcano.
Kasama ng PHIVOLCS sa nasabing inspeksyon ang Philippine Air Force Tactical Operations Group.
Katuwang din ang Philippine Red Cross, DSWD at pamahalaang lokal ng Albay sinuri ng PHIVOLCS ang area malapit sa gilid ng bunganga ng bulkan at mga batong nahuhulog.
Sa ngayon ay nananatili sa alert level 3 ang nasabing bulkan.