Nagsagawa ang PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng safety inspection sa mga imprastrakturang napinsala sa pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao Del Norte.
Kabilang sa mga ininspeksyon ng mga scientist ng PHIVOLCS ang Anaw-Awon Bridge.
Bukod dito, sinuri rin ng PHIVOLCS ang pinsala sa mga istraktura sa bayan Ng San Francisco, kasama na ang mga kalsada, simbahan at maging ang San Nicolas High School.
By Meann Tanbio