Labing-siyam na aftershocks na ang naitala ng Phivolcs matapos ang malakas na lindol sa Batangas, kaninang madaling araw.
Ayon kay DOST Undersecretary at Phivolcs Dir. Renato Solidum, magnitude 5.5 ang pinakamalakas na naitalang aftershock, alas-4:57.
Una nang inihayag ni Solidum na natunton ang epicenter ng magnitude 6.6 na pagyanig sa Calatagan, Batangas at naramdaman din sa ilang karatig lugar.
Samantala, pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba ng publiko na magdulot ng tsunami ang mga nasabing lindolat walang inaasahang pinsala mula sa mga pagyanig. —sa panulat ni Drew Nacino