Patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS ang sitwasyon sa Davao Del Sur na niyanig ng dalawang malalakas at magkakasunod na lindol.
Ito’y makaraang yanigin ng magnitude 4.8 na lindol ang Magsaysay, Davao Del Sur kaninang 7:28 ng umaga.
Habang sinundan pa ito ng mas malakas na 6.1 magnitude na lindol sa nasabi ring bayan kaninang pasado alas dose ng tanghali
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang malalakas na pagyanig sa maraming lugar sa mindanao tulad ng Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City.
Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na nasawi at sugatan gayundin ay kung may napinsalang ari-arian dulot ng nasabing pagyanig
Dahil dito, itinuturing ng PHIVOLCS na major quake ang nangyari kaninang tanghali habang pre-shock naman ang kaninang umaga.
Gayunman, tiniyak ng PHIVOLCS na walang inaasahang tsunami mula sa kambal na pagyanig lalo’t malapit lang sa karagatan ang episentro nito.