Patuloy na minomonitor ng Department of Science and Technology -Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) matapos itaas sa alert level 2 ang sitwasyon ng bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa anim na libo’t siyam na raan at tatlumpung tonelada ang sukat ng sulfur dioxide at siyam na raang metro naman ang taas ng ibinuga ng bulkan.
Walang naitalang aktibidad sa naturang bulkan pero nasa 1.59 ang sukat ng acidity at 71.8 degree celsius naman ang temperatura sa main crater lake.
Sa ngayon, ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan maging ang pagpasok sa TAAL volcano island.
Nagpaalala din ang PHIVOLCS na maging alerto sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas ng Taal volcano. —sa panulat ni Angelica Doctolero