Pumalo na sa mahigit 1k aftershocks ang naitala ng Phivolcs matapos ang Magnitude 7 na lindol.
Batay sa datos ng Phivolcs hanggang alas-6 ng hapon kahapon, nasa 1, 156 na ang naiulat na aftershock sa Northern Luzon.
Dalawampu’t siyam sa pagyanig ay naramdaman na may lakas mula Magnitude 1.5 hanggang 5.0.
Nananatili naman sa Intensity 7 ang pinakamataas na na-naitala ng ahensya na naramdaman sa iba’t ibang bayan ng Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñarrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.
Sa ngayon, muling nagpaalala ang Phivolcs sa mga residente ng Abra na manatiling alerto dahil posibleng makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.
Yumanig ang Magnitude 7 na lindol noong Miyerkules sa Lagangilang, Abra dakong alas 8:43 ng umaga, na naramdaman hanggang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.