Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 19 pang pagyanig sa Bulkang Taal sa Batangas, sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng dalawa hanggang limang minuto ang pagyanig.
Nagbuga rin ng 5,119 tons ng sulfur dioxide ang bulkan na umabot sa 1,500 ang taas.
Sa kabila nito, nananatiling sa ilalim ng alert level 1 ang Taal Volcano at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer danger zone nito.