Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 213 na pagyanig simula noong Hunyo 24.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala rin ang magnitude 3.5 volcanic earthquake noong Hunyo 24 at dakong 1:39 ng hapon nitong Miyerkules naman nang maitala ang magnitude 2.3 volcanic earthquake.
Sa kasalukuyan ay nananatili sa alert level 1 o low-level unrest ang Bulkang Bulusan.
Tiniyak naman ng PHIVOLCS na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon ng bulkan at pinalalahanan ang publiko na hindi pa rin pinapayagan ang pagpasok sa 4-kilomer permanent danger zone.