Walang banta ng Tsunami sa Pilipinas matapos ang naganap na magnitude 7 na lindol sa Solomon Islands sa Pacific Ocean.
Ito ang tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bagama’t posible ang mga mapanganib na alon sa mga baybayin na matatagpuan sa loob ng 300 kilometro mula sa sentro ng pagyanig.
Nabatid na binago ng United States Geological Survey (USGS) ang nasabing magnitude ng lindol mula sa inisyal na 7.3.