Walang banta ng tsunami ang pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Indonesia kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (PHIVOLCS), walang epekto sa bansa ang malakas na lindol na yumanig sa Papua, Indonesia.
Una rito, natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 248 kilometro kanluran ng Jayapura, Indonesia kung saan ay wala ring napaulat na nasaktan o napinsala.
By Ralph Obina