Patuloy na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Paolo Reniva, PHIVOLCS Taal Volcano Observatory Resident Volcanologist, walang gaanong volcanic activities sa nakalipas na 24 oras, maliban sa naitalang tatlong phreatomagmatic bursts kahapon.
Pinaalalahan naman ni Reniva ang mga residente na mag-ingat at gumamit ng face masks.