Patuloy na tinututukan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang galaw ng mga bulkang kanlaon sa Negros Occidental gayundin ang bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Nitong Sabado, muli na namang nagbuka ng usok at abo ang bulkang bulusan matapos itong makapagtala ng phreatic explosion nitong Biyernes
Bagama’t hindi pa inirerekumenda ng PHIVOLCS ang paglilikas sa mga residente malapit sa bulkan, nananatili pa rin sa level 1 ang alerto nito kung saan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa loob ng 4 kilometer radius permanent danger zone.
Samantala, may mga naitala namang explosion-type earthquakes sa mount kanlaon isang araw matapos din itong magbuga ng usok at abo nitong Sabado.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PHIVOLCS director Renato Solidum, walong pagyanig ang naitala sa paligid ng bulkan mula nuong sabado ng gabi hanggang linggo ng umaga at posible pang magkaroon ito ng phreatic eruptions.
By: Drew Nacino