Pinawi ng Phivolcs ang pag-aalala ng taong bayan sa banta ng anumang sakuna matapos na yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang Indonesia.
Sa opisyal na abiso ng Phivolcs, sinabi nito na walang banta ng tsunami sa ating bansa.
Mababatid kasi na nitong dakong 8:43 ng umaga ay niyanig ng lindol ang bahagi ng Talaud Islands sa Indonesia.
May lalim ito na 70 kilometers.
Kasunod nito, ay walang naitalang pinsala sa naturang lugar.