Pinag-aaralan ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung ang gumalaw na fault line sa naganap na magnitude 7 na lindol nitong miyerkules ay ang Abra River Fault.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PHIVOLCS OIC Director Renato Solidum na maituturing itong isang major earthquake na kung saan base sa haba ng nasabing fault ay maaari ngang magnitude 7.3 ang pakawalan nito.
Samantala, nilinaw ni Solidum na lahat ng lugar sa bansa ay mayroong tinatawag na “The Big One.”