Tiniyak ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Fiji Islands.
Naramdaman ang pagyanig kaninang 4:21 ng umaga.
Ayon sa ahensya, may lalim na 568 kilometers ang naturang lindol.
Sinabi naman ng National Weather Service Portland na wala ring banta ng tsunami sa Oregon at Washington.