Nakapagtala ng isang volcanic quake ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.
Ayon PHIVOLCS, naitala rin ang moderate emission ng white steam-laden plumes sa nakalipas na isang araw.
Inabisuhan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling alerto dahil sa mga shallow magmatic processes na posibleng magresulta sa phreatic o mas malalang magmatic eruptions.
Noong Oktubre a-1, papalo sa halos 400 tonelada ang sulfur dioxide emission ng bulkan bawat araw.
Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa anim na kilometrong permanent danger zone ng bulkan upang mabawasan ang mga panganib mula sa biglaang pagsabog, pagbagsak ng bato, at pagguho ng lupa.