Walang volcanic earthquake na naitala sa bulkang taal sa nakalipas na 24 oras.
Gayunman, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) na nananatili sa alert level 3 ang bulkang taal kasunod ng pag-alboroto noong Sabado.
Nakapagtala rin ang ahensya ng plumes na may taas na 1,000 meters bago mapadpad patungo sa timog-kanluran.
Nitong March 27 ay nagbuga ang taal ng 1,140 na tonelada ng sulfur dioxide.
Sinabi ng PHIVOLCS na patuloy nilang babantayan ang aktibidad ng bulkan sa loob ng dalawang linggo bago magpasya hinggil sa magiging alert status nito.