Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko na magdudulot ng tsunami sa Pilipinas ang pagtama ng magnitude 7.2 sa Fiji Island.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang tsunami sa bansa, base sa kanilang historical at tsunami data.
Pasado alas-5:00 kaninang umaga, oras sa Pilipinas nang yanigin ng 7.2 na lindol ang karagatang sakop ng Fiji na sinundan pa ng magnitude 5.7 na aftershock.
By Meann Tanbio