Dapat pauwiin ng pamahalaan ang ambassador at lahat ng consul ng bansa na nasa china.
Mungkahi ito ni Senador Risa Hontiveros matapos banggain ng Chinese vessel ang isang bangkang pangisda ng Pilipinas at abandonahin ito habang papalubog na kasama ang mahigit 20 mangingisdang Pinoy.
Ayon kay Hontiveros, dapat isapubliko ng China ang pagkakakilanlan sa Chinese vessel at kung ano ang ginagawa nito sa Recto Bank na nasa loob ng exclusive economic zone (EZZ) ng Pilipinas.
Dapat rin anyang parusahan ng China ang kapitan at ang buong crew ng Chinese vessel dahil sa pag abandona sa mga mangingisdang Pilipino sa harap ng panganib na malunod ang mga ito.
Higit sa lahat, binigyang diin ni Hontiveros na dapat tiyakin ng China na hindi na mauulit ang pangyayari.