Nakipagpulong ang ambassador ng Pilipinas sa Amerika sa ilang Amerikanong mambabatas hinggil sa pagkakakulong ni Senador Leila De Lima at kasong kinakaharap ng online news site na Rappler.
Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Washington, ang pagpupulong ay batay sa naging request ni US Senator Richard Durbi ng Illinois.
Nakausap sa meeting ni Ambassador Jose Manuel Romualdez si Durbin at US Senator Edward Markey ng Massachusetts.
Kabilang si Durbin at Markey sa anim na Senador na naghain ng resolusyon noong Marso na nanawagan na palayain na ng gobyerno ng Pilipinas si De Lima.
Sinabi ng embahada na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ni Romualdez sa naturang mga Senador para sa naturang mga isyu at iba pang isyu na may kinalaman sa relasyon ng Pilipinas at Amerika.