Humihingi na ng tulong ang Philippine Postal Corporation o PHLPOST mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para mapigilan ang pagpupuslit ng mga iligal na droga sa bansa gamit ang koreo.
Ito ay matapos aminin ng PHLPOST na hindi sapat ang kanilang mga kagamitan para masuri lahat ng mga padala.
Ayon kay PHLPOST Assistant Post Master General Luis Carlos, may mga pagkakataon aniya na hindi nade-detect ang mga kontrabando tulad ng iligal na droga kahit dumadaan ito sa kanilang mga x-ray machines.
Batay sa ilang mga ulat, matagal nang ginagamit ng mga sindikato ang PHLPOST para magpuslit ng iligal na droga sa bansa gamit ang koreo.