Nagpalabas ng commemorative stamp ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) para sa pagdiriwang ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino.
Katuwang ng PHLPost ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagpapalabas ng selyo na tinaguriang “Sandaan”.
Inhalaw ang itsura nito sa isang movie ticket kung saan binibigyang diin ang taong 1919 – 2019.
Nagpalabas din ang philpost ng nasa limang libong kopya ng souvenir stamp sheet na nagtatampok naman sa kilalang director – producer at tinaguriang ama ng pelikulang Pilipino na si Jose Nepomuceno.
Ang pelikula ni Nepomuceno na “dalagang bukid” ang siyang kauna-unahang silent film na ginawa at idinirek ng isang Pilipino na ipinalabas noong September 12, 1919.