Isinilang na ng kilalang TV-host at model na si Phoemela Barranda ang panganay nitong anak na babae sa asawang si Jason Choachuy, isang businessman at race car driver.
Batay sa instagram post ng TV- host, nagpapasalamat ito sa mga nagpa-abot ng panalangin para sa kanyang ligtas na panganganak sa kanyang baby girl na pinangalanan nilang Ilya.
Matatandaang, ina na rin si Phoemela sa kanyang 22 taong gulang na anak na si Kim Nichole.—sa panulat ni Agustina Nolasco