Nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum Philippines sa presyo ng ilan nilang produktong petrolyo ngayong araw.
Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga, P1.15 kada litro ang ibinaba sa presyo ng kanilang ibenebentang gasolina.
Habang P1.30 naman kada litro ang bawas sa kanilang diesel.
Ayon sa Phoenix Petroleum Philippines, layon ng kanilang ang bawas presyo ang hikayatin ang motorista na tangkilikin ang mas pinagandang klase ng kanilang produktong petrolyo.
—-