Nagpatupad ng rollback sa kanilang produktong petrolyo ang independent oil payer na Phoenix Petroleum.
Epektibo alas-6:00 kagabi, piso at kuwarenta sentimos (P1.40) ang tinapyas ng Phoenix sa kada litro ng kanilang gasolina habang piso (P1) naman ang bawas-presyo sa kanilang diesel.
Ayon sa kumpanya, layon ng rollback na bigyan ng mas mahabang pagkakataon ang mga motorista na makapagpakarga ng mas murang halaga ng langis.
Wala pang abiso ang iba pang kumpanya ng langis kaugnay ng naturang rollback.
—-