Sisimulan na ng Phoenix Fuel Masters ang kampanya nito sa PBA Commissioner’s Cup.
Mamayang alas-4:15 ng hapon ay haharap ang Phoenix sa NLEX Road Warriors sa Smart Araneta Coliseum.
Sinasabing pupuntiryahin ng NLEX ang kanilang pangalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Phoenix na siyang nakabili ng prangkisa ng Barako Bull.
Sa una nilang laro, ang Road Warriors ay nagtala ng overtime win laban sa Ginebra Gin Kings kung saan nagpasabog ng 50 puntos si Import Al Thornton.
By Jelbert Perdez
*Photo Credit: InterAksyon.com/Ver Marquez