Pinataob ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa iskor na 105 – 98.
Nahati, ang naging panalo ng dalawang koponan kung saan, lumamang sa 1ST quarter ang Suns habang naagaw naman ng Dallas ang 2nd at 3RD quarter nito pero agad din itong nabawi ng Suns dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa koponan sina Devin Booker na nakapagtala ng 24 points at 9 rebounds at Deandre Ayton na may 19 points, 13 rebounds at 2 assists.
Abangan naman bukas, Nobyembre a-20, sa ganap na alas-onse ng umaga oras sa ibang bansa ang muling paghaharap ng dalawang koponan. —sa panulat ni Angelica Doctolero