Naitala ng Phoenix suns ang kanilang ikalimang sunod na panalo sa NBA.
Ito ay matapos talunin ang Philadelphia 76ers sa iskor na 120-111.
Nanguna sa panalo ng suns si Devin Booker na nakagawa ng 36 points.
Nakapag-ambag din sa laban si Chris Paul na nakagawa naman ng 18 points, 10 assists at eight rebounds.
Gayundin sina dario saric nakagawa ng 15 points habang kapwa naka-11 points sina E’twaun Moore at Deandre Ayton.