Tinambakan ng Phoenix Suns ang Orlando Magic sa NBA makaraang lumamang ng 27 points sa iskor na 132-105.
Hindi nakabawi ang magic matapos lampasuhin ng Suns sa una hanggang ika-4 na quarter.
Nanguna sa panalo ng koponan si small-forward-shooting guard Devin Booker na nakapagtala ng 26 points, 5 rebounds at 5 assists habang nasayang naman ang naitalang 20 points, 6 rebounds at 10 assists ni Jalen Suggs ng Magic.
Abangan naman sa Miyerkules, February 16, ang susunod na laro ng suns kung saan, kanilang makakalaban ang Los Angeles Clippers, alas-11 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero