Matapos kundenahin ang photobomber ng monumento ng National Hero na si Jose Rizal sa Luneta Park noong 2014, isang photobomber naman ang dinadagsa ngayon nang pagkundena mula sa publiko.
Ngunit hindi ito sa monumento ulit ni Jose Rizal, kundi sa simbahan naman ng Quiapo!
Kung anong klaseng photobomber na ito, tara, alamin natin ‘yan!
Ipinakita sa isang TikTok video na uploaded ng user na si @ralph berg the great na mayroong itinatayong building sa likurang bahagi ng Quiapo Church.
Ayon sa mga netizen na nakakita sa tarpaulin na makikita sa construction area, gagawin daw itong commercial office space.
Dahil dito, maraming netizens ang nagpakita ng pagkadismaya sa pamamagitan ng kanilang mga maaanghang at galit na komento sa comments section ng video na ngayon ay mayroon nang 1.6M views at 74.8K likes at patuloy pang dumadami.
Kung matatandaan, September 28, 1987 nang basbasan at hangarin ni Cardinal Jaime Sin na makilala bilang Basilica ang Quiapo Church nang muli itong itayo matapos ang ilang trahedya.
At sa kaparehong taon naman ng December 11 ay ipinagkaloob ni Pope John Paul II ang pagkilala rito bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa pagpapatibay nito ng debosyon kay Hesus at sa kontribusyon nito sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino.
Ikaw, anong masasabi mo sa pagpapatayo ng mga infrastructures sa likuran ng mga makasaysayang lugar sa Pilipinas?