Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang photoshoot ng kanyang apo kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na si Isabelle sa Malakanyang.
Sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa kaarawan ni Senador Manny Pacquiao, kanyang sinabi na maliit na bagay lamang ang nasabing photoshoot para sa debut ng kanyang apo.
Iginiit ni Pangulong Duterte na lahat naman aniya ng mga bumibisita sa Malakanyang ay nagpapakuha ng larawan doon.
Magugunitang, nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon ang nag – viral na pre – debut photos ni Isabelle sa loob ng Malakanyang kung saan makikita ang presidential seal at watawat ng Pilipinas.