Nagkapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng phreatic eruption sa Bulkang Bulusan na matatagpuan sa Sorsogon ngayon araw.
Ayon sa PHIVOLCS, bandang alas-10:37 ng umaga nang mag-alboroto ang bulkan kung saan nagpalabas ito ng maiitim na usok at tumagal ito ng 16 minuto.
Dahil sa nasabing aktibidad, itinaas na rin ng PHIVOLCS ang Bulkang Bulusan sa Alert Level 1.
Ibig sabihin, hindi na maaaring makapasok ang sinuman sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone.
Samantala, inihayag ng Irosin Sorsogon MDRRMO na nasa apat na barangay na may 800 pamilya na ang bahagyang apektado dahil sa ashfall.
Patuloy naman na mino-monitor ng awtoridad ang aktibidad sa nasabing bulkan.