Nagbabala sa publiko ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) dahil posible pang masundan ang naitatalang phreatic explosion ng Mt. Bulusan na matatagpuan sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PHIVOLCS OIC Renato Solidum, posibleng magdulot ng sunud-sunod pang pagsabog ang bulkan kung saan, inilagay na sa Alert level 1 ng PHIVOLCS ang naturang lugar.
Base sa huling report ng ahensya nagkaroon ng ashfall matapos magka steam-rich gray plum na hindi bababa sa isang kilometro ang taas sa Juban at Casiguran, Sorsogon alas-12 ng tanghali kahapon.
Patuloy pang minomonitor ng PHIVOLCS ang Bulkang Bulusan habang pinaiiwas naman ang mga residente 4-kilometer radius permanent danger zone.
Hinimok naman ni Solidum ang mga Local Government Units (LGUs) sa Sorsogon na suriin ang kanilang “preparedness plans,” para sa kaligtasan ng mga residente.