Pinapaigting na ng tanggapan ni acting Makati Mayor Romulo “Kid” Peña ang isinasagawa nitong physical audit upang mahuli ang mga hinihinalang “ghost employees” sa City Hall.
Ayon kay Arthur Cruto, acting Head ng Makati Action Center o MAC at nangunguna sa Audit, nais nilang makumpirma kung may katotohanan ang isyu ng mga multong empleyado.
Matatandaang si Cruto rin ang nanguna sa ikinasang inventory noon na naging sanhi upang madiskubre ang “ghost senior citizens.”
Bahagi ng proseso ng pag-audit ang paggamit ng modernong kagamitan gaya ng CCTV, computer, digital camera, at fingerprints scanners upang mai-record ang biometrics ng mga lehitimong kawani.
Obligado na rin ang mga empleyado na pumunta nang personal sa city hall tuwing araw ng sahod at hindi na maaaring gumamit ng proxy.
By Jelbert Perdez