Nitong November 9, 2023, inaprubahan ng National Economic and Development Authority Board ang three high-impact infrastructure projects sa ikalabing-isang pagpupulong kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa palace briefing, tiniyak ni Socio-Economic Planning Secretary at NEDA Director General Arsenio Balisacan na nananatiling matatag ang administrasyong Marcos sa commitment nitong efficient implementation ng high-impact infrastructure projects para mapaunlad ang connectivity ng bansa.
Ano nga ba ang epekto ng physical connectivity sa ekonomiya ng Pilipinas?
Tara, alamin natin yan.
Sa ginanap na inagurasyon ng Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project noong july 21, 2023, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat nating asahan ang mas marami pang proyekto gaya ng mga bagong daan, tulay, at airports sa bansa.
Aniya, tuloy-tuloy ang pagsusulong sa mga malalaking proyekto upang mas mapadali ang pagkilos at paglalakbay ng mga Pilipino saan mang bahagi ng Pilipinas.
Malaking parte sa kaunlaran at ekonomiya ng bansa ang physical connectivity. Sa katunayan, bahagi ang physical connectivity sa Philippine Development Plan 2023-2028 at 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos.
Samantala, sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA noong July 24, 2023, tiniyak din ni Pangulong Marcos ang pagbibigay ng prayoridad sa physical connectivity sa ilalim ng kanyang build better more program.
Ayon sa Pangulo, nasa 5% to 6% ng gross domestic product o GDP ng bansa ang gagamiting pondo para sa imprastraktura. 83% nito ay ilalaan sa pagpapatayo ng mga kalsada, tulay, seaports, airports, at mass transport. Target din na maging interconnected ang mga kalsada, tulay, at mass transport system para makapagbigay ng access at passage sa iba’t ibang economic markets gaya ng agriculture hubs, tourism sites at key business districts.
Malaki ang tulong ng physical connectivity sa patuloy na paglago ng Pilipinas dahil sa economic efficiency nito. Sa pagpapaunlad ng physical connectivity, mas mabilis at mura nang makapaghahatid ng mga produkto at serbisyo, na siya namang magbibigay ng magandang epekto sa ekonomiya.
Sabi nga ni Pangulong Marcos, dahil sa physical connectivity, “we can bring Filipinos closer together.”
Kaya ikaw, sang-ayon ka rin bang malaki ang parte ng physical connectivity sa pagpapaunlad ng bansa?