Babawasan na ng pamahalaan ang distansya o pagitan ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan epektibo sa Lunes, Setyembre 14.
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang bawasan ang ipinatutupad na social distancing sa mga public transport na nasa .75 meters na lang mula sa dating isang metro.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, layunin nitong maitaas ang seating capacity ng mga pampublikong sasakyan upang mas marami ang mapagsilbihan nito.
Mula sa .75 meters, ibababa pa ito sa 0.5 meters sa susunod na dalawang linggo hanggang sa umabot na lang ng 0.3 meters na lamang sa susunod pang dalawang linggo.