Umabot na sa 48.31% o 52, 066 Physical Election Returns ang hawak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa manual validation count.
Ginagawa ito ng PPCRV upang maikumpara ang physical Election Returns (ERs) sa electronically transmitted results.
Tatagal ang manual encoding hanggang Mayo a-20.
Samantala, kaugnay sa alegasyong iregularidad sa eleksyon, sinabi ng PPCRV na kaya mabilis ang outcome dahil mababa ang required data na ipinapadala ng mga Vote Counting Machine sa Transparency Servers.
Malayo ang pagkakaiba nito noong 2019 midterm elections kung saan pitong oras ang itinagal ng data transmission.