Nananatiling talamak ang physical injury, pagnanakaw at rape ngayong 2024.
Gayunman, ayon sa Philippine National Police, mas mababa na ang naitalang insidente ng mga nabanggit na krimen kumpara noong nakaraang taon.
Sa datos ng PNP, mayroong mahigit 12,100 kaso ng pagnanakaw; 7,700 kaso ng rape o panggagahasa at mahigit 4,000 at 800 kaso ng physical injury.
Iniuugnay naman ang pagbaba ng mga kasong ito sa pagdaragdag ng police personnel sa mga matataong lugar at pakikipag-ugnayan sa local government units para sa pagpapatupad ng curfew hours. – Sa panulat ni Laica Cuevas