Balik volleyball na si dating UP Libero Pia Gaiser matapos ang siyam (9) na buwang pagpapahinga dahil sa tinamo nitong injury sa tuhod.
Kinumpirma mismo ni Gaiser sa kanyang Twitter account na pumirma siya ng kontrata sa Petron Blaze.
Ayon sa management nito na Virtual Playground, sasabak na sa court si Gaiser bitbit ang bandera ng Petron sa 2018 Philippine Superliga o PSL Grand Prix na magsisimula sa Pebrero.
Welcome to our family @piagaiser and Welcome back to your Volleyball playground! Goodluck on your PSL debut! @Volleyverse @spinph pic.twitter.com/ebzvAyHBbb
— Virtual Playground (@VPlaygroundPH) January 5, 2018
Noong Marso ng nakaraang taon, napunit ang anterior cruciate ligament (ACL) sa kaliwang tuhod ni Gaiser sa kalagitnaan ng UAAP Season 79 Women’s Volleyball Tournament.