Itinuturing nang apo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rappler Reporter Pia Ranada – Robles sa kabila ng mga umano’y hindi patas na pagbabalita nito sa ehekutibo.
Ganyan inilarawan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pakikitungo ng Pangulo kay Ranada kung saan, halos hindi pa mapaghiwalay ang dalawa sa mga okasyon sa loob ng Palasyo.
Ikinuwento rin ni Roque ang pagdepensa ng Pangulo kay Ranada nang hindi sinunod ng Rappler ang payo ng SEC na huwag papasukin ang Reporter nito sa lahat ng mga coverages.
Pero binigyang diin ni Roque, hamak na tao lamang din ang Pangulo at umaabot din sa sukdulan ang pasensya nito kaya’t nawalan na siya ng tiwala kay Ranada at ipinasyang huwag nang papasukin sa loob ng Palasyo.
Tila panunumbat pa ni Roque kay Ranada, mismong ang Pangulo pa ang nag-asikaso, nagbantay at nagbayad sa pagkaka-ospital ni Ranada nuong siya’y alkalde pa ng Davao City nang maaksidente ang reporter sa kasagsagan ng kampaniya.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio