Muling nagkaharap ang host na si Steve Harvey at reigning Miss Universe Pia Wurtzbach sa ginaganap na 65th Miss Universe coronation day sa Mall of Asia Arena.
Ipinakilala ni Harvey si Wurtzbach bilang isang ‘remarkable woman.’
Suot ni Pia ang isang eleganteng pink gown.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pia na marami siyang ipinagpapasalamat sa Miss Universe.
“I’ve really grown as a woman, I’ve learned so many things and it opened doors for me.”
Samantala, nagpasalamat naman si Pia kay Steve at sinabing: “Steve, Thank you for making me the most popular Miss Universe.” na nagpahiyaw sa mga nanonood, natatawang nagpasalamat din kay Pia si Steve at sinabing: “Thank you for making me the most famous Miss Universe host.”
Tiniyak ni Harvey na sisikapin niyang hindi na magkamali ngayong taon.
“We will get it right this time.”
Matatandaang nagkamali si Steve Harvey sa pag-anunsyo ng nanalo sa Miss Universe pageant noong nakaraang taon, na sa halip na Miss Philippines ay Miss Colombia ang kanyang tinawag na panalo, na agad namang inihingi ng paumanhin ng host.
Photo Credit: Miss Universe/ Twitter