Wala pa sa plano ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang paglagay sa tahimik.
Ayon kay Pia, hindi pa niya nakikita sa ngayon ang sarili na magpapakasal.
Sinabi nito na hindi sila nagmamadali ng boyfriend na si Marlon Stockinger lalo’t nag-eenjoy pa aniya sila sa kanilang mga ginagawa.
Dahil dito, mas pinagtutuunan muna ng pansin ng dalawa ang kanilang mga career at binibigyang suporta ang isa’t isa.
Tiniyak naman ni Pia na darating din sila sa kasalan ni Marlon kung sila ay talagang para sa isa’t isa.
—-