Nanawagan si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach sa mga Pinoy at mga tagasuporta na huwag nang patulan ang kanyang mga basher na may kaugnayan pa rin sa Miss Universe pageant.
Naki-usap din si Pia sa mga Pinoy na itigil na ang pakikipagsagutan at pagkokomento ng masama laban sa ibang lahi.
Iginiit ng bagong Miss Universe na Pilipinas naman ang nakapag-uwi ng korona kaya’t sapat na aniya ito.
Matatandaang maliban sa bashers ay nagsunog pa ng effigy ni Pia at ng American host na si Steve Harvey ang mga taga-Colombia kaugnay pa rin ng hindi nila matanggap na pagkakamali sa idineklarang Miss Universe.
By Ralph Obina