Ang Pinay beauty queen na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kauna unahang Pilipinong magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds (too-shods) sa Hong Kong.
Inanunsyo ito mismo ng Miss Universe 2015 sa kaniyang Instagram at sinabing sa susunod na taon ay masisilayan na ang kaniyang wax figure sa nasabing Wax Museum.
Kinumpirma rin ito ng pamunuan ng naturang museum.
Ang madame tooshods at unang binuksan sa London bago sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Hong Kong noong taong 2000.