Isang sweet message ang ibinahagi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa nobyo nitong si Marlon Stockinger sa kanilang anibersaryo bilang magkasintahan.
Sa kaniyang Instagram account, nag – post ang beauty queen ng larawan nilang dalawa na may caption na “na – delayed” daw ang kaniyang mensahe dahil bumiyahe ito pabalik sa Pilipinas matapos ang pagiging judge sa katatapos na Miss Universe pageant sa Las Vegas.
Unang nagkakilala ang dalawa sa New York ilang buwan matapos ang panalo ni Pia bilang Miss Universe.
Buwan naman ng Enero ng inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.