Malugod na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach makaraan itong mag-courtesy call sa Malacañang.
Nasentro ang pag-uusap sa parehong pagiging Mindanaoan nila at ang responsibilidad ni Wurtzbach bilang kasalukuyang Miss Universe.
Ipinaabot din ng Pangulong Duterte ang pagkilala sa dangal na ibinigay ni Wurtzbach sa Pilipinas.
Binati naman ni Wurtzbach si Duterte bilang bagong lider ng bansa at inihayag na karangalan nitong makilala at makausap ang Presidente.
Tumagal ng kalahating oras ang pag-uusap ng Pangulo at ni Wurtzbach.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau