“I can’t believe it.”
Ito ang masayang pahayag ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network.
Nitong Lunes lamang ay pumirma na nga si Pia ng 2-taong kontrata sa ABS-CBN at nakatakdang mapabilang sa isang pelikula kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla.
Excited din na ibinahagi ni Pia na lalabas siya sa ilang TV shows.
Kamakailan lang ay nakita ang beauty queen bilang guest host ng noontime show na It’s Showtime.
Aniya, buo ang tiwala niya sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula bilang isang artista noong siya’y 14 na taong gulang pa lamang.
“I started with a five-year contract [in ABS-CBN] and I kept renewing lang every year, and then I stopped. Iyon ‘yung nag-culinary muna ako and then I joined Binibining Pilipinas. When you join kasi Bb. Pilipinas, you’re not allowed to have any contracts, so I couldn’t come back to ABS-CBN. But now na tapos na ako sa pageant world, puwede na ulit.”
Dagdag ni Pia masaya siyang magbalik sa kanyang unang tahanan.