Sumabak na kaagad sa training si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaugnay sa coverage sa Super Bowl o taunang championship game ng NFL o National Football League sa Amerika.
Si Wurtzbach ay tatayong correspondent o on the scene reporter sa nasabing event.
Sinabi ni Wurtzbach na na-excite siya sa unang araw ng kanyang training kung saan nag-post pa siya ng litratong habang hawak niya ang reporter microphone at video na tila naglalaro ng soccer ball.
Ang Super Bowl ay gaganapin sa Pebrero 8 pasado alas-8:00 ng umaga, oras sa Pilipinas.
By Judith Larino
*Photo Credit: Miss Universe (Twitter)
Super Bowl Opening Night with @insideedition. I’ll be the special correspondent all week long. -Pia