Hinimok ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga Pilipino na pumili ng tamang kandidato sa darating na May 9 elections.
Ayon kay Wurtzbach dapat kilalaning mabuti ang mga taong iboboto dahil sa ang mga ito aniya ang magpapatakbo sa bansa sa loob ng ilang taon.
Una rito, binisita kaninang umaga ni Wurtzbach si Pangulong Benigno Aquino III sa courtesy call nito sa Palasyo ng Malacañang.
Kuwento ni Wurtzbach, dito ay nabigyan aniya sila na magkamustahang muli ng Pangulo.
Binati rin aniya siya ng Pangulo para sa malaking karangalang naiuwi nito para sa Pilipinas.
Bilang ganti, binati rin ni Wurtzbach ang Pangulo para sa isang matagumpay na panunungkulan sa gobyerno.
Voluntary HIV Test
Kusang magpapasailalim sa HIV test si Miss Universe 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach pagbalik nito sa bansa galing New York.
Ito ang tiniyak ni Wurtzbach bilang bahagi ng kanyang adbokasiya sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa nakamamatay na sakit ng HIV / AIDS.
Umaasa si Wurtzbach na sa ganitong paraan ay marami siyang mahihimok na mga Pinoy na makapagpasuri.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)